Bugtong Bugtong
Florante
Intro:
May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip
Bugtong bugtong, subukin kung ito y matutugon
Hindi hayop, hindi tao, ngunit mayro ng ulo
Kadalasang kasama ay mga kapintero
At kung ito y ililibing sa kahoy o bato
Kailangan pukpukin ng martilyo
Bugtong bugtong, subukin kung ito y matutugon
Hindi hayop, hindi tao, mayro ng buto t balat
Mahaba ang bituka at ito y lumilipad
Kapag hindi mahangin, ito ay tinatamad
Asahan mong ito ay sasadsad
Bugtong bugtong, subukin kung ito y matutugon
May dila nga, ngunit ayaw namang magsalita
Kambal sila t laging magkasama ang isa t isa
Itali o igapos, kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa yo ay sasama
Bugtong bugtong, subukin kung ito y matutugon
Mayroong araw, mayroong buwan, hindi naman langit
Mayro ng katapusan, ngunit muling nagbabalik
Tumatanda, ngunit isang taong gulang lagi
Wakas n ya ay ipinagbubunyi
May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip
Bugtong bugtong, subukin kung ito y matutugon
Bugtong bugtong, subukin kung ito y matutugon