Sana y Totoo
Gagong Rapper (featuring Ally)
Intro: ----,
Sa pagdilat ng mata parang bang kinapos sa paghinga
Parang bang bangungot ang nangyari nung ako y nagising na nga
Nag-alala, kailan kaya ulit mauulit ang panaginip
Ako y inip, ako y sabik sa panaginip kailan ulit masisilip
Ang paglubog ng araw ay laging tinatanaw
At sa mahimbing na pagtulog hinahanap ay ikaw
Sumisigaw, hinihiyaw ang pangalan mo sa paraiso
Dahil ang pusong kong hati nasa yo ang kapiraso
(Do chord pattern: ----)
Ang makapiling at ang labi mo akin na sanang mahagkan
Kung totoo lahat nang to, wag mo na sana akong iwan
Kahit tagpuan ay sa panaginip lang ako narin sayo y kuntento
At pangako sa yo kailan man di mag sisilbing perwisyo
Cause ang bisyo paligayahin ka dito sa aking piling
Idinilat mong damdamin sana hindi na ulit mapuwing
Pero ako y naduduwag at baka sa pagdilat ng mata
Banta sa puso, Paggising ko baka wala ka na
Buti nalang sa panaginip ay hindi ka do n papanaw
At alam kong sa ganong paraan, ay wala sa yong aagaw
Pero sana balang araw pangarap kong ito ay matupad
Ang hiling ko lamang sa Diyos pag ibig mo ay mahangad
Chorus
,
Ikaw lamang sa isip, panaginip na to sana y totoo
,
Di makapaniwala sa panaginip nagkasama tayo
,
Ikaw lamang sa isip, panaginip na to sana y totoo
(Do chord pattern: ----)
Habang nakatingin sa langit wish ko na ikaw ay bumagsak
Pa no ko kaya mabibigay dosenang bulaklak?
Dahil sa panaginip lang kita nakakasama
Kailan kaya kita makakalampungan sa kama?
Para bang nahibang, ako y biglang nailang
Ilang tupa pa ba dapat ko pang ibilang?
Para lang makatulog, na sa panaginip ika y aabangan
Sa king pag gising sana ikaw na y nasa king harapan
Kailan kita mahahagkan?
Aabot ba sa langit ang ginawa kong hagdan?
At sana naman pag ikaw na ay aking naabot
Sana tuloy tuloy tuloy na ang aking pagtulog
Sumasaya ang puso pag dumating na ang gabi
Kasali ang ngiti na makikita mo sa aking mga labi
Sa king pagpili hindi ako nang hihinayang
Kahit panaginip lang ako sa yo y hindi ilang
Ako y nalilibang, oh kailan ba ito magkakatotoo
Kase ako sayo ang ulo ko y gulong-gulo
Ngunit biglang naglaho nung naaninag na ang araw
Ako y nasilaw na sa pag alis hindi ka na matanaw
(Repeat Chorus)
(Do chord pattern: ----)
Naalimpungatan na naman hindi alam kung nasaan
Nakahiga sa dalampasigan, ginuguhit ang iyong pangalan
On the white sand, and drawn by my right hand
Thinkin I m alone with you, loving you
And now paligid ang pag-ibig at ikaw ang kabig ng dibdib
Ninanais ko na makasama ka, dahil sadyang mahal kita
Subalit sa isang saglit naramdaman ko ang sakit
At pagdilat nang mata ikaw ay nawaglit
(Repeat Chorus, fade)