KAPAG SINABI KO SAYO
[Intro]
[Verse]
Kapag sinabi ko sa yo na ika y minamahal
Sana y maunawaan mo na ako y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya y sisirin perlas ng karagatan
[Verse]
Kapag sinabi ko sa yo na ika y iniibig
Sana y maunawaan mo na ako y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
[Verse]
Ako y hindi romantiko, sa iyo y di ko matitiyak
Na pag ako y kapiling mo kailanma y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana y wag mong ikalungkot
[Verse]
Kapag sinabi ko sa iyo na ika y sinisinta
Sana y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama t kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
[Verse]
Halina t ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika y sinusuyo
Sana y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo
[simplify chord lang po ito, alam kong hindi ito ang eksakto at tamang akorde..
bukas po ako sa anumang pagtatama at suhestiyon. salamat po.]