[Intro]
[Verse]
Hating Gabi, hating araw
Magdidikta y ikaw, ilalim o ibabaw
Kalahating puno o kalahating ubos
Ikaw ang gagawa ng sarili mong unos
[Pre-Chorus]
Sa isang malamig na sulok kaluluwa y binubulok
Kaliwa t kanan ang pagdaing, sarili ay nilulugmok
Sa isang daang yardang puti mas kita mo pa ang tuldok
Sino sino sino sino ang talo
Ba t di mo ba subukan, wag bilangin ang kulang
Oras ay wag sayangin sa walang kapararakan
iisa lang ang buhay mo, gamitin mo to ng husto
Sino sino sino sinong panalo
[Chorus]
Umaapaw-apaw ang biyaya, Wag mo sanang ipagwalang-bahala
Imulat mo ang isip at diwa
Sa isang iglap nandito ka, walang hindi magagawa
Ang buhay natin ay isang himmala, Wag kang malunod sa pag-aalala
Wag mong isipin na ika y walang-wala
Meron meron meron mayrong biyaya
[Verse 2]
Kapit-patalim o kapit sa panalangin
Ikaw ang pipili kung san ka dadalhin
Medyo himbing o medyo gising
Nakasalalay sa yo kung paanong pagtingin
[Pre-Chorus]
Ang yong kamay iyong paa tenga bibig at yong mata
Ang puso mo y tumitibok, ang baga mo y humihinga
Walang saysay ang magmukmok, isipin mong mapalad ka
Di ka Di ka Di ka di ka kawawa
Bigat ng yong pasanin sa Diyos ipaubaya
Ang iyong pagsisikap lakipan mo ng tiwala
Para di ka na mahulog, lilipas rin ang iyong tulog
Meron meron meron mayrong biyaya
[Chorus]
Umaapaw-apaw ang biyaya, Wag mo sanang ipagwalang-bahala
Imulat mo ang isip at diwa
Sa isang iglap nandito ka, walang hindi magagawa
Ang buhay natin ay isang himmala, Wag kang malunod sa pag-aalala
Wag mong isipin na ika y walang-wala
Meron meron meron mayrong biyaya
[Bridge]
Ohoowooo, Ohoowooo, Ohoowooohooo
Ohoowooo, ohoowooo... umaapaw-apaw ang biyaya
Umaapaw-apaw ang biyaya
Umaapaw-apaw apaw, umaapaw-apaw apaw
Umaapaw-apaw-apaw, umaapaw...
[Chorus]
Umaapaw-apaw ang biyaya, Wag mo sanang ipagwalang-bahala
Imulat mo ang isip at diwa
Sa isang iglap na nandito ka, walang hindi magagawa..
Ang buhay natin ay isang himmala, Wag kang malunod sa pag-aalala
Wag mong isipin na ika y walang-wala
Meron meron meron mayrong biyaya...
[Outro]
Wag ka nang dumaing, baka masunog ang sinaing
Wag ka nang wag ka nang dumaing
baka masunog ang sinaing
Wag ka nang wag ka nang dumaing, Baka masunog ang sinaing
Wag ka nang wag ka nang dumaing, Baka masunog ang sinaing...
Umaapaw-apaw ang biyaya...